#BookReview3: MacArthur by Bob Ong

what is it about-

Ang librong ito ay tungkol sa mga taong tinuturing na tae ng lipunan. Mga walang pakinabang, walang pinag-aralan at walang matinong hanap buhay na bubuno sa kanilang mga nabubulok na sikmura at pag-iisip. Ngunit, totoo nga bang wala silang kwenta ayon sa mata ng lipunan? O may karapatan din naman silang bumalik at lumutang uli, parang MacArthur na sasabihin sa bansang Pilipinas ang mga katagang “I shall return.”

theme used

Krimen, mahirap na buhay na may kinalaman sa droga at sugal at kahirapan.

recommendation

…sa mga taong gustong unawain ang kondisyon at kalagayan ng mga taong naliligaw ng landas at mga taong hindi makaisip ng matinong paraan para maisalba ang pamilya. Sa mga mambabasa na gustong makatikim ng realidad ng buhay. Kung hindi pa nababasa ang libro, itigil ang pagbabasa hanggang sa seksyon na ito.

stop reading

Nung una, akala ko makakaranas na naman ako ng sandamakmak na halakhak sa pagbabasa ng librong ito. Akala ko, isa na naman to sa mga maituturing kong “light read” books. Nagkamali ako, pinabaliktad nito hindi lamang ang sikmura ko, kung di ang pananaw ko sa mga taong ginagawa ang lahat—pati na ang mga di nararapat—para sa kanilang mga minamahal sa buhay at kumukulong sikmura. Pati na ang mga taong sinukuan ang eskwela pati na ang kanilang buhay. Samakatuwid, ang mga taong nawalang ng pag-asa.

my review

Nung una, nahihirapan akong basahin ang librong ito. The language used was very unconventional. Bakit? Salitang kalye at puro mura ang litanya ng mga character. Pero ayos lang. Naisip ko na baka nga kasi ganito talaga mag-usap ang mga taong di kaswertihan ang stado sa buhay. Ngunit itong librong ito ay tinulungan akong i-appreciate at wag husgahan ang mga tao na sa tingin natin ay may mga mababaw na pag-iisip. Mga sumuko sa pag-aaral, nagdroga, nagtulak ng droga, nagnakaw at dahil sa mga kadahilanang ito ay maari siyang maging walang kwentang ama.

Ang bawat karakter ay sumasalin sa ating mga itinuturing na “tae ng lipunan.” Katulad na lang ni Noel, na may kaya ang pamilya ngunit pinabayaan ang swerte at piniling mag-droga at bumitaw sa pag-eeskwela dahil sa mga frustations niya sa buhay–ang kaniyang pamilya. Si Cyrus na walang ibang magawa kung di ang magnakaw para sa kaniyang kaisa-isang pamilya na si Mang Justo at magbatak ng droga para lang malimutan ang mga problema sa buhay. Si Jim na naging batang ama at walang ibang nakikitang paraan para isalba ang pamilya kaya napiling magnakaw sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan at si Voltron na piniling magtulak ng droga kahit di siya gumagamit nito upang maisalba ang kaniyang balong ina at mga kapatid.

Nakakalungkot ano? Pero parati nating isipin na ang mga ganitong klaseng tao ay may dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na hindi dapat nilang gawin. Iba man ang kanilang pananaw, iba mang ang kanilang pananalita, pero tangalin mo ang lahat ng pagkakaiba at masasabi nating pareho lang tayo sa kanila. Ginamit ng manunulat ang pamagat na MacArthur na sumisimbolo sa mga tae ng lipunan, kahit anong gawin nating baon, pag kondena at pagtago sa kanila, pilit pa rin silang lulutang at sasabihing “I shall return.” Dahil sa buhay, matira ang matibay at lumulutang.

PS: Salamat sa awtor na may lakas ng loob para isulat ng librong ito.

11216178_457443907748980_977234205_n

Advertisements

6 Comments

      1. Yeah. I am excited to read Si also. I heard it was great. However, I am still reading another book as of the moment. Haha
        I wish Bob Ong will write more like this and Si. And I think this can be a great movie too. 🙂

        Like

      2. You can check my book review bout Si after reading it. 🙂 Yeah how I wish as well. I’m intrigued how they will translate the book to a movie. Everything will be backwards! haha

        Liked by 1 person

  1. Sa totoo lang binasa ko ito ng isang basahan lang. Ito yung tipo ng libro na maku-curious ka hanggang sa hindi mo namamalayang hindi mo na mabitawan, tapos umaagos na pala yung luha sa mga mata mo habang binabasa yung libro.

    Anyways, salamat sa review. I will share this review to everyone para i-encourage sila na basahin ang Macarthur.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s