#BookReview4: ABNKKBSNPLAko by Bob Ong

abnkkbsnplakwhat is it about-

ABNKKBSNPLAKo is primarily about Bob Ong’s experience while he was a student until he graduated college and his life experiences as an average student who continually dreams despite of what he considers epic failures of his life.

theme used

Autobiography, student life and nostalgic life experiences

recommendation

..to people who seeks inspiration despite of life’s continuous struggles and unending failures (I also strongly suggest this book to myself). 🙂

…I also recommend this book sa mga taong nabasa ito ng highschool na ngayon ay nakatapos na ng college.

stop reading

I don’t know if you haven’t read the book (if you are a Filipino) but there’s a lot to discover again in the 12th edition. You should read it! 🙂

my review

It has been years since I first read the book. I remember that time I don’t have the means to buy myself a copy because I was still in my first year high school. But just this year, I decided to buy a copy and read it again. Though, it says 12th edition so I decided to give it again a try.

Reading it again was very nostalgic, and I’m grateful because I can never appreciate the book the way I appreciated it years ago because I can now relate to Bob Ong’s life as a student. Now that I’m a college graduate, I can say that this book recommends where should I start my life after almost 20 years in school.

This is the first of Bob Ong’s masterpieces and I can say that this book withstood time. It is timeless and classic. Kahit na sino pwedeng maka-relate sa experiences ni Bob Ong (kahit sabihin mo na may nutriban pa sa panahon niya) still, hindi pa din naman nagbabago di ba? We always hear stories from successful students who made it through inevitable struggles and made it to the top. This what seperates ABNKKBSNPLAKo among the others–this book can understand you.

Hindi lahat ng kuwento sa buhay ay maganda, di lahat ng kuwento sa buhay ay matagumpay–kadalasan, ang mga kuwento natin ay puno ng kamalian at life lessons. ABNKKBSNPLAko is one of those books. Kinuwento ni Bob Ong ang karanasan niya mula pagkabata hanggang sa siya ay tumuntong ng kolehiyo. Masipag nung elementarya, pa sway sway nung highschool, at naging epic failure ng college. Kahit na sinong ordinaryong studyante at mamamayan ng Pilipinas ay makakarelate sa mga storya niya (basahin niyo na lang ang libro para malaman mo kung anu-ano yon). Pero, ang isang nakakamanghang bagay tungkol sa librong ito ay kung paano niya naitama ang mga pagkakamali niya noon sa pamamagitan ng pagsusulat at kung paano niya binigyang saysay ang mga pagkakamali niya sa pamamagitan ng pag-iinspire sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga storya niya.

Personally, nung binasa ko ulit ang librong ito pagkatapos ko ng kolehiyo, nainspire ako sa dedikasyon niya na sumubok ng maraming bagay at nagawang di matakot sa mga failures na pwede na naman niyang maranasan. Kadalasan, sa mga kabataan ngayon na nakakagraduate ng kolehiyo, ang importante sa kanila ay makahanap ng magandang trabaho, na may magandang suweldo na pwede nilang ipambili ng mga magagandang bagay. Pero hindi nila iniisip, kung ano ang pwedeng maging sila pag sinunod nila ang gusto nilang gawin–mga bagay na pwedeng makapagpatunay ng mga kaya nilang gawin.

Ano nga ba ang naituro sakin uli ng librong ito?

Nung highschool? Wala akong ibang ginawa kundi tawanan ang mga storya dito. Pero nung binasa ko ulit ito pagkatapos ng college, may saysay pala ang mga karanasan niya–kasi naranasan ko na sila. Hindi man sakto, pero masasabi kong magkahawig at magkaugnay. This book made me question myself, “ano nga ba ang natutunan ko?” Sa loob ng maraming taon sa eskuwelahan, ano nga ba ang natutunan ko na maaring makapagsabi kung ano ang kaya kong gawin, ang dapat kong gawin? Naturo ba sakin ng Algebra ang tamang equation para matanggap ako sa trabaho? Naituro ba sakin ng world history ang dapat kong gawin para maitawid ang pag-aaral ko? Naituro ba sakin ng marketing research kung paano maging isang professional? hindi..hindi..hindi.. pero ang librong ito, ang nagturo sakin kung paano subukin ang kakayahan at tumanggap ng uncertainties ng buhay. Kung paano wag matakot at labanan ang agos ng buhay. At higit sa lahat, paano mangarap pagkatapos ng maraming kamalian dahil hindi lahat ay natutunan sa eskwelahan.

kasi kung hindi niya ginawa ang lahat ng ito. wala sanang Bob Ong na nag-udyok sa mga Pilipino na tangkilikin ang sarili nating literatura.

Totoong storya ng tagumpay at hindi fairy tale na hitik sa hindi makatotohanang karanasan–yan ang kwentong chalk ni Bob Ong.

..may mga bago siyang life lessons sa 12th edition, kaya basahin niyo na!

PS: Bakit nga ba “ABNKKBSNPLAKo” ang title? Siguro kasi pag natuto na tayong magbasa, walang katapusan ang mga bagay na pwede nating matutunan.

11216178_457443907748980_977234205_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s